Sabado, Pebrero 19, 2011

Hindi makakalimutang pangyayari

Ang hindi ko makakalimutang pangyayari ay ung namatay ang ama ng nanay ko bata pa ako noon siguro mga apat na taong gulang pa lang ako nun o tatlo, sa dahilang napaka lapit niya sakin noong bata pa ako, hilig niyang makipaglaro sakin at ilabas ako paminsan minsan, minsan mag outing pa nga kami kasama ang pamilya ng ama ko, sobrang bait niya ang napaka garang tao, sana nga ee ganun nalang lahat nang tao sa mundo pero hindi ee, siguro kung buhay pa siya ngayon napaka ganda siguro ng buhay ko walang bisyo puro aral masipag na bata siguro ako ngayon kung buhay pa siya, siya kasi yung tao na sasabihan ka pag mali ang ginagawa mo anjan siya pag may problema ka, pag wala kang pera pahihiramin ka niya kung kelangan, basta isa lamang ang masasabi ko napaka gara niyang tao, sana lang talga ay hindi siya kinuha ng diyos sa amin, eto pa la ang kwento kung bakit nwala ang lolo ko, isang araw ay naliligo siya, madulas ang sahig ng banyo namin, sa las piñas pa kami nakatira noon, ngayon nadulas ang lolo ko at nauntog sa sahig ata, tapos ee may sakit siya sa puso inatake siya sa puso, na kita siya ng lola ko na naka hilata sa sahig, dinala siya sa hospital, kung natatandaan ko ee sa parañaque med ata, na comatose siya for one week, nag usap usap ang miyembro ng pamilya namin na tangalin na lamang ang oxygen, para hindi na maghirap ang lolo ko, napakasakit nun para sa pamilya naming, hindi ko pa alam ang nangyayari noon dahil bata pa ako, tinanong ko pa nga sa ina ko kung bakit natutulog si lolo, nasa kabaong siya nun.

TAPOS!
Tangapin ang katotohanan, at wag mawalan nang pagasa kahit na wala ang taong pinakamamahal mo, ganyan ang buhay, may nabubuhay at may namamatay.

Linggo, Pebrero 6, 2011

Paboritong Guro

Para sakin ang hindi ko makakalimutang guro ay si Ms.Julie, sha kasi ang nagging hagdan para makataas ako kahit kaunti, para bang nagging pangawalang ina, dahil sa parati niya akong kinukumbinseng mag aral, kaya ngayon e nkatungtong ako sa fourth year, masasabi kong napakagailng niyang magturo, kasi para bang kakaiba siyang magturo, ibat ibang estilo ang kanyang ginagamit para makinig ang mga estudyante niya pag siya ay nag tuturo, isa sa mga gusto ko dun e ung ibang klaseng games niya, at marunong siyang makisama sa mga estudyante niya pero pag oras nag pag aaral e oras talga ng pag aaral minsan naman e biruan lahat kami nagtatawanan sa klase, pero hindi siya clown ha, isa siyang magaling at maestilong guro, chemistry napapadali niya, at eto pa isa pag marami kayong nagpapatutor e binawasan niya pa ang bayad halimbawa e 100/1 hour e 70/1hour na lamang, diba napakabait na guro. At eto pa ang isa ang galing niya mang huli pag ka nangdadaya ka sa test, para bang eagle eye.

Diyan nagtatapos, wala na akong maibangit dahil gabi na ako nakauwi, kasi galing kami sa burol.


I-CLICK ang link para makita kung sino ang aking tinutukoy

Sabado, Enero 29, 2011

First love

Noong first year ako, nag-aral ako sa Ann Arbor Motessori noong unang araw ko pa lang ako lang magisa at wala akong kakilala, may isang second year na mabait na nagkagusto sakin pinakilala niya ako sa ibang first year doon ako nagkakaibigan, may isang babae akong natipuhan, ngunit wala akong lakas na loob na ligawan o lapitan siya first year din sha nun, nang tumungtong ako sa second year nakita ko ulit ang aking natipuhan noong first year, nang magtagal naglakas loob ako na lapitan at ligawan ang babaeng iyon, nang linigawan ko na siya ee nahuhulog na ang loob niya sa akin lumipas ang dalwat kalahating buwan tinanong ko na siya kung pede ko siya maging syota ang sinabi niya naman ang matamis na “OO”, nang magtagal napansin ko ee parati na lang ako ang lumalapit at tuwing magkasama kami ee ako nalang parati ang unang nagsasalita, ewan ko ba kung bakit ganoon kami na nga ee nahihiya pa siya, nagtampo naman ako sa kinya, sinabihan ko ang kanyang best friend, isang araw ee kinausap ko sha gamit ang yahoo messenger, sinabi ko sakanya bakit ganoon? Ako nlng parati ang lumalapit minsan naman ikaw palitan lang naman yan ee, nagalit sha dahil nalaman niya na hindi siya ang una kong sinabihan, ako naman ee under na under humingi nalang ako ng pasensya, dahil ayoko na palakihin ang problema na ito, sumunod na araw ay medjo ayos na ang problema, dahil doon ee hindi kami nagpansinan nang isang lingo, tumagal ee tumibay ang relasiyon naming dalawa, nag-kukulitan na kami,nag-aasaran,nag-kukurutan, simula non ee masayang masaya na kami sa isat isa, nang tumagal ee, huling araw na naming sa second year, puro free time na noon dahil wala ng gagawin, nang matapos kami mag harutan ee, sinabi niya sakin na break na tau dail summer daw mahirap, ako naman ay na pa oo,lumabas ako sa class room na nakatunganga para bang zombie ako, na isip ko na bakit? Bakit ako umoo,ang sakit pala makipag hiwalay sa sobrang mahal mo na tao, nang lumipas ee wala na kaming komunikasyon sa isat isa, ngunit ang isa kong kaibigan ee ka text siya, kayat pinatanong ko sakanya kung mahal nia pa ako, nang magreply ang kaibigan ko ee sinabi nia na hindi na daw na nia daw ako mahal, ang sakit non para bang may tumagos sa dibdib ko.

Diyan ang nagtatapos ang storya ko, Ang aral neto ay wag kang magmamahal na sobra kung hindi ka sigurado na magtatagal kayo o mahal ka niya talga.

Sabado, Enero 22, 2011

Ang Storya ko


noon hindi ko alam kung saan ang kaliwa ko at saan ang kanan ko, kaya ang tiya ko kapatid ng ama ko tinuruan ako paulit-ulit kung saan ang kaliwa at kanan,, Nang akoy ipinanganak masayang-masaya ang mga magulang ko,tumira kami noon sa cavite ewan ko ba kung saan sa cavite basta doon, habang lumalaki ako pumopogi ako de joke lng, kasulukuyan mga apat na taon akong nagsimulang mag aral sa San,Lorenzo Ruiz sa Greenheights Subdivision, top 2 ako nun sa buong casa,pinagaagawan ako ng mga babae nun nkakalaro ko nga mga babae lahat hindi mga lalake ewan ko ba kung bakit ganoon,paguwi ko ee puro kalmot sa muka sa likod sa leeg,minsan nung naglalaro kami nung isang kaklase ko ee nagbabatuhan kami ewan ko ba kung anong binabato naming basta tuwang tuwa kami ee nadisgrasya natamaan ko sa ulo nako! Dumudugo ung ulo niya ako naman ee na gulat first time ko kasi makasakit noon, ayun dinala ako sa principal office inenterrogate ako roon,nagdaan ang panahon ee lumalaki na ako, hated sundo ako ng Lolo ko tuwang tuwa ako kasi first time ko makasakay sa kotseng magara,minsan pag busy ung lolo ko ung lola ko nagsusundo sakin minsan paguwi sasama pa ako sa lola ko mag pupulong yon para bang simba ng ibang relehiyon pagkatapos nun ee kakain kami sa Mcdo un lng naman kasi ang inaatay ko ee makakain doon gustong gusto ko kasi ung manok at fries doon,kung minsan naman ee wala ang lola ko ung tita ko na asawa ng tito ko na kapatid ng tatay ko,paguwi ee nag cocomute lamang kami minsan may na dadaanan kaming bilihan ng mani,gusto ko doon ee ung mani na may balat pa,minsan paguwi ko ng bahay ee nadadatnan kong nag-aaway ang mga magulang ko nagtututukan pa nga ng kutsilyo takot na takot ako nun dahil kala ko mag papatayan sila hindi ko alam ang gagawin ko noon, kaya katagalan ee nag hiwalay ang mga magulang ko,kinuha ako noon ng tatay ko papunta sa prubinsya nila,doon ako lumaki nag aral ako sa St.Schoolastica nun paaralan ng mga babae,agaw pansin ako nun sa mga high school kasi may pinasan ako dun na babae na hindi ko naman ka kilala ang cute cute ko pa nun hilig kong makipag laro sa mga kaklase ko noon ung dodge ball maro ba un basta parang habulan tas may base base,nauso pa nga nun ung bayblade at crush gear chaka tamiya,un tamiya nagkaroom ako ng maraming peke dahil binigyan ung tito ko ng ganun,habang lumalaki ako naging loko-loko ako, nangungupit ako sa lola ko noon isang beses ee tatlong libo pa nga nakupit ko kung sino sino na lang linilibre ko nun bili ako ng bili kahit ano kasi hindi ko pa alam kung gaano kahalaga ang pera noon,nahuli ako ng tatay ko nun pinag papalo ako nun ng walis na may hawakan na kahoy para bang sumali ako sa Frat magang maga ang puwet ko nun,simula noon ee hindi na ako umulit, umulit ako ng ikaapat na baiting(grade 4) tapos ee nag aral ako dun sa pampublikong paaralan banda sa palengke,ayun nagloko nanaman ako cutting ako ng cutting pero paminsan ee kanselado ang klase dahil busy minsan ang gusto naming ewan ko ba kung bakit ganon ayun nakatungtong ako ng high skul nagaral nanaman ako sa San.Lorenzo pero sa pampanga ito nagrepeat ako dun dahil loko loko ang mga kaklase ko nun mga bad influence,ayun kinuha na ako ng nanay ko para magaral sa Parañaque simula nun ee nagbago na buhay ko nagaaral na ako paminsan minsan,pero andun pa rin ung pagkatamad ko gumawa ng mga proyekto at mga assignments ,noon hindi ko alam kung saan ang kaliwa ko at saan ang kanan ko, kaya ang tiya ko kapatid ng ama ko tinuruan ako paulit-ulit kung saan ang kaliwa at kanan.


jaan nagtatapos ang kwento ng buhay ko kulang kulang pa yan shempre hindi ko naman kukwento lahat baka makagawa na ako ng libro nun.