Ang hindi ko makakalimutang pangyayari ay ung namatay ang ama ng nanay ko bata pa ako noon siguro mga apat na taong gulang pa lang ako nun o tatlo, sa dahilang napaka lapit niya sakin noong bata pa ako, hilig niyang makipaglaro sakin at ilabas ako paminsan minsan, minsan mag outing pa nga kami kasama ang pamilya ng ama ko, sobrang bait niya ang napaka garang tao, sana nga ee ganun nalang lahat nang tao sa mundo pero hindi ee, siguro kung buhay pa siya ngayon napaka ganda siguro ng buhay ko walang bisyo puro aral masipag na bata siguro ako ngayon kung buhay pa siya, siya kasi yung tao na sasabihan ka pag mali ang ginagawa mo anjan siya pag may problema ka, pag wala kang pera pahihiramin ka niya kung kelangan, basta isa lamang ang masasabi ko napaka gara niyang tao, sana lang talga ay hindi siya kinuha ng diyos sa amin, eto pa la ang kwento kung bakit nwala ang lolo ko, isang araw ay naliligo siya, madulas ang sahig ng banyo namin, sa las piñas pa kami nakatira noon, ngayon nadulas ang lolo ko at nauntog sa sahig ata, tapos ee may sakit siya sa puso inatake siya sa puso, na kita siya ng lola ko na naka hilata sa sahig, dinala siya sa hospital, kung natatandaan ko ee sa parañaque med ata, na comatose siya for one week, nag usap usap ang miyembro ng pamilya namin na tangalin na lamang ang oxygen, para hindi na maghirap ang lolo ko, napakasakit nun para sa pamilya naming, hindi ko pa alam ang nangyayari noon dahil bata pa ako, tinanong ko pa nga sa ina ko kung bakit natutulog si lolo, nasa kabaong siya nun.
TAPOS!
Tangapin ang katotohanan, at wag mawalan nang pagasa kahit na wala ang taong pinakamamahal mo, ganyan ang buhay, may nabubuhay at may namamatay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento